Saturday, June 21, 2008

The Drama That Gave Birth to This Site

Sabi nila, minsan ka lang magmamahal ng tapat, kaya nga pag natagpuan mo na siya, hindi mo dapat ito pakawalan.

Kaya lang minsan, napagtatanto mo lang na mahal mo na ang isang tao kapag wala na siya sa paligid mo at mahirap na siyang matagpuan pa. Magkita man kayo muli, maaaring wala na siyang pagtingin sa'yo. Kung meron man, nanaig na sigurado sa kanya ang poot o ang sakit na dinulot mo sa kanya. Dahil dun, malamang wala ng pag-asa na magkamabutihan pa.
***
Sabi rin nila, kapag mahal mo ang isang tao palalayain mo siya. Kusa siyang babalik sa'yo kung kayo ang nakatadhana.
***
Minsan naghahanap tayo ng pag-ibig. Kakahanap ng kakahanap natin ay lalong hindi ito matagpuan. Kakahanap din natin ay nalalagpasan ito. May mga darating ngunit tayo'y lilinlangin lamang. May totoong magmamahal ngunit hindi natin matutunang mahalin. May darating, magmamahal at mamahalin natin, ngunit sa takot na masaktan muli, hindi natin ito tatanggapin
***
Hindi rin porket pinakitaan ka ng pagmamahal e yun na rin iyon. Malamang ito ay totoo o pagkukunwari lamang. Masakit mang isipin, hindi lahat nang ating nakikita, naririnig o nararamdaman ay totoo.
***
Takot akong magmahal. Takot akong masaktan. Ilan lang ito sa mga katotohanang hindi ko maikakaila. Pilit kong tinatakasan ang isang pagmamahal dahil ang akala ko ay makakalimutan ko rin ito. Ngunit mali ako. Minsan nang naisip na maaaring siya na nga. Pero ang gulo! Malamang marahil, isa lamang siya sa mga nakatadhanang magbigay ng kulay sa buhay ko, hindi ang nakatadhana.
***
Sana nga, sana nga... ano man ang aking kapalaran, maging maligaya ako dahil maraming beses na akong nagmahal at minahal, ngunit maraming beses nang nasaktan... At kung masasaktan lang muli, mabuting hindi na lang...

No comments: