Tuesday, July 1, 2008

Mga Sulsol, Para Ito sa Inyo - Ako ang Nagmamay-Ari ng Puso Ko!!!

Likas na sa tao ang maki-tsismis at maki-alam sa paligid nila. Okay lang kung ang mga bagay na 'yun ay may kinalaman sa kanila. Pero, paano kung hindi na?


***


Likas sa mga Pilipino ang maki-alam sa buhay ng iba kahit wala silang kinalaman dito o kahit hindi naman sila naaapektuhan nito sa ano mang paraan. Mahilig lang silang magpa-apekto. O kaya naman, gusto lang nilang makasali sa eksena.


***


Likas na mahilig ang mga Pinoy na may nasasabi sa isang tao lalo na kung hindi maganda - sa panlabas na kaanyuan man, pagkatao, at pag-uugali nito. Wala silang paki-alam kung nakakasakit sila ng damdamin, basta masabi lang ang nais nilang sabihin. Madalas, ang mga tinitira nila, mga wala namang ginagawa sa kanila.


***


Mahilig din maki-alam ng mga tao sa buhay-pag-ibig ng kapwa nila. Kahit 'di naman nila kailangan makisali, ipapasok pa rin nila ang mga sarili nila.


***


Ugali ng ilan sa atin ang ipareha ang isa sa isa. Minsan, 'pag ginagawa natin ang ganoon, hindi natin naiisip kung talaga ba'ng ang pinapareha natin ay talagang nakalaan sa isa't-isa. Basta para sa atin, bagay sila kaya dapat sila ang magkapareha.


***


Ito lang ang isa sa mga dahilan kung bakit sila nakiki-alam:

  1. Katayuan sa buhay - Kung mayaman ka, ipapareha ka nila sa mayaman and vice versa.
  2. Panlabas na kaanyuan - Kung maganda ipapareha ka sa gwapo and vice versa.
  3. Kapag hindi mo kapareho ng estado sa buhay o walang chemistry mga mukha ninyo, for some reasons, nasusuka sila at paghihiwalayin nila kayo.
  4. Pangit ang ugali ng napili at ipapareho ka nila sa tingin nilang "mas mabait" kahit hindi mo naman mahal.
  5. Hindi kayo bagay at mas may bagay "daw" sayo. At pilit ka'ng ipapareha sa isang tao kahit hindi mo gusto.
  6. Ayaw lang nilang makitang masaya ang kapwa nila - it's a common Filipino mentality.

At hindi sila titigil hangga't hindi sila nagtatagumpay! Kainis ano?


***


Kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan, wala nang karapatan ang mga sulsol!!! Tanging ang nagmamay-ari lamang ng puso ang makakapag-desisyon nito. Lumayo na kayo'ng mga sulsol dahil hindi niyo pagmamay-ari ang puso ng kahit sino man!!!


***


Dahil ako ang nagmamay-ari ng puso ko, ako lang ang higit na mas nakaka-alam kung kanino ito titibok o tumitibok. Ako ang nagmamay-ari ng puso, kaya ako ang higit na mas nakaka-alam kung sino ang makakasundo nito, hindi ang ibang tao.


***


Ako ang makikipag-relasyon, ako ang makikisama, ang ang magpapakasal, at ako ang magkaka-anak. Kaya wala sa ni sino man ang maaaring magdikta sa puso ko dahil may sarili itong pagpapasya.


***


Hindi na rin ako bata at marami na ring naranasan ang puso ko na ligaya't sakit. Pinagsisihan ko man ang ilan, marami naman ako'ng mga aral na natutunan. At kahit paano, pinagtibay ng mga iyon ang puso ko na siyang nagbigay ng tiwala sa aking sarili. Kaya bakit ako magpapadikta o magpapasulsol?


***


And to those who are in love or will be in love, follow your heart 'coz it will surely lead you to the right person. Just learn how to listen to it properly and understand fully what it's trying to tell you.

No comments: